“Bakasyon sa Luzon” ni Dalton Aulisita

       Maraming mga masasayang pangyayari na naganap sa akin ngayong taong 2018. Marahil ay mayroon ding maraming mga ‘di kaaya-ayang mga kaganapan, ngunit nananaigting pa rin ang mga panahong naramdaman ko ang apoy ng kaligayahan. Isa sa mga panahon ngayong taon na kung saan ay nakita ko mismo sa sarili ang kaligayahan ay nang nagbakayon kami magkapamilya sa Luzon.

      36517354_912005092319988_4112931648394231808_n      Nakakamangha talaga kung gaano kaganda at kakaiba ang mga tanawin sa iba’t ibang lugar. Hindi nakakasawa at hindi mababayaran ang mga tanawin na tila ba ay parang mga imahe na magpapakita sa iyo ng kaligayahan, lalong-lalo na kasama ko ang aking pamilya. Ano pa nga ba ang mas masaya sa panahong kasama mo ang iyong pamilya sa pagbukas sa mga bagong karanasan?Sa loob ng maliit na panahon ay maraming mga katatawanan at hindi malilimutan na kwentuhan. Mga kwentuhan na puro kakulitan at walang halong makakaapekto sa bawat isa. Hindi hadlang sa amin ang konting oras na inilaan namin sa bakasyon, kung hindi ay mas binigyan namin ng kahalagan ang bawat segundo upang maging mas katatak-tatak.

     Ang mga oras na iginugugol sa pamilya ay hindi matutumbasan ng anumang bagay at ito ay hindi na maibabalik pa kaya dapat nating mas pahalagahan at bigyang pansin ang mga oras na ito. Importante rin bilang kabataan ang mga karanasan dahil ito ang magbibigay sa ating ng kaalaman at kalinawan sa mga bagay-bagay sa ating paligid.

Leave a comment