“Marso 21, 2018” ni Meshach Francisquete

on

    Pitong buwaan na ang lumipas mula sa pag-simula ng 2018. Marami na ang nangyari at marami na rin ang mga emosyong naramadaman ko, ako ay nalungkot, natuwa at nagalit. Ang mga pangyayari at emosyon na naramdaman ko ay nakatulong na sa akin. Pero, ang pinaka pabirito ko ay nangyari noong ika-21 ng Marso.

   Marami ang nangyari noong ika-21 ng Marso dahil kaarawan ko ang araw na yun. Umaga pa lang, binati na ako ng aking pamilya. Pagdating ko sa skwelahan, binati din ako ng aking mga kaibigan. Ang saya ng buong araw ko dahil naramdaman kong may nag papahalaga sa akin. Pagka uwian, dumiretso na kami sa bahay. Doon kami kumain ng mga kaibigan ko kasama ang pamilya ko. Di lang kami nabusog sa pagkain kundi pati na rin sa kasiyahan.

   Di ko sana gustong matapos ang araw na yun, pero di yun maiiwasan. Kahit na tapos na ang araw na yun, hinding hindi ko yun makakalimutan at lagi kong papahalagahan. Ika nga nila “People change, but the memories don’t.”

Leave a comment