“Ngiting Naipinta sa Iba” ni Keanu Sitjar

on

     May mga bagay-bagay sa ating buhay na nagyari at maaring nagdulot ng iba’t-ibang karanasan, maaring ang karanasan ito ay mapait, malungkot, may dalang pighati at kabiguan, pero ang pinakamagandang karanasan sa ating buhay ay ang yung mga pagkakataon na naging masaya ka habang sout mo ang iyong tawa. Ano ba ang naging pinakamasaya ang karanasan sa buhay ng isang tao? Syempre iba-iba ang atin magiging sagot sapagkat iba-iba ang nararanasan natin sa buhay. Ngunit may mga karanasan talaga na hindi natin makakalimutan dahil ito ay nagdala ng malaking kasiyahan sa ating buhay. At ngayon nais kong ibahagi ang masayang karanasan na kailan man hinding-hindi ko makakalimutan. Ang pinakamasayang naging nangyari sa aking buhay ngayong 2018 ay ang pagiging isa sa mga nagpinta ng ngiti sa mga labi ng mga tao at naghatid ng kunting kasiyahan sa kanila. Ito ay nangyari noong isinagawa naming ang isang malaking event sa bayan ng Davao nung buwan ng Marso, kung saan nagtipontipon ang mga tinatawag na “animal enthusiast” mula sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas upang magbigay ng mga impormasyon at upang turuan patungkol sa mga iba’t-ibang hayop na maari nating alagaan. Sa iisang pagkakataon sa aking buhay ako ay nakapagpasaya ng maraming tao, mula sa bata hanggang sa mga matatanda, di ko akalain na marami palang gusto matuto sa bagay-bagay patungkol sa mga hayop at aking natuklasan na madaming tao ang nagmamahal hindi lamang sa mga “furry animals” kung pati na din sa mga tinatawag na “Creepy Crawlies”. Madaming nagsasabi at nagpapasalamat dahil sa event nakatulong sa kanila upang ibsan ang takot at kaba sa mga ahas at iba pang uri reptiles, kahit maliit na bagay lang ang ito para sa iba pero sa akin malaking bagay na ito, ang makaghatid ng kasiyahan sa ibang tao at ang pagtuturo sa kanila ay nagdadala nadin ng kasiyahan sa akin. Ito na ang aking masayang karanasan na kailan man hinding-hindi ko makakalimutan. Ikaw ano ang naging pinaka masayang karanasan na kailan man hinding-hindi mo makakalimutan?

Leave a comment