“Panginoon” ni Dan Luid Q. Malintad

on

     Isa sa pinaka masayang araw na nangyari sa buhay ko. Eh yung araw na nakilala kita, Yung araw na di ko naman aakalain na hahantong lahat sa ganito, yung araw na tila nagbago ang lahat, mga dating simpleng lumilipas na panahon biglang sadyang pinalitan ng makabuluhan pagkakataon. Lalo na yung araw na mapagtanto ko na ang hirap pala kapag di kita nakakausap, nakakamiss, nakakalungkot, at muling naghahanggad pa ng panibagong pagkakataon, marami pang pagkakataon, mas matagal pa na pagkakataon, na makausap ka pa, na makasama ka pa, na mangyari ang lahat na nasa isip ko at lumalim ang lahat.

     Pero dumaan ang mga araw heto na, ang tila’y pangarap unti unting nagaganap. Panaginip na sadyang katotohanan ang nilalaman. Ang mapagtanto ko, galing sa isip at puso kong di mapakali, na sadyang ikaw lang pala ang kulang sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko. Na ikaw pala ang dahilan ng lahat kung bakit ako masaya, kung bakit ang tamis ng mga ngiti sa likod ng mga labi ko, mga kinang sa mga mata kong di mapaliwanag.

     Mga bagay na sadyang di mapaliwanag na binigyang klaro simula nung nagdikta ang puso ko na. Pag-ibig na pala ito, pag-ibig na minsan kong pinangarap pero dumating sa panahon di ko naman inaakala. Gayun din sa taong di ko naman hinahanggad pero mas mainam pa ang binayaya para maging parte ng buhay ko. Gusto kong malaman mo na. Sobrang saya ko. Simula nung araw na, nakilala kita, Mahal kita higit pa sa sobra at sobra at sobra na nasa isip mo. Napakasaya ko noong nakilala kita.

Leave a comment